Kinumpirma ng pamunuan ng Commission on Elections na naihatid na ng Miru System Company Limited sa tanggapan ng National Printing Office ang isang printer na siyang gagamitin sa pag-imprenta ng balota sa halalan sa susunod na taon.
Umaga kanina ng pormal na tanggapin ang naturang gagamiting makina ng NPO Edsa sa lunggsod ng Quezon.
Samantala, sinabi ng ahensya na sa susunod na linggo ay nakatakdang ideliver ng Miru ang isa pang makinang gagamitin.
Nakatakda naman matapos ng Commission on Elections ang pagsusuri sa mga naturang makina kapag natapos itong mabuo.
Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia , nakasusunod ang Miru Systems sa itinakdang panahon batay sa napagkasunduan.
Kabilang na dito ay pagdedeliver ng mga Automated Counting Machine at printing machine bilang paghahanda sa 2025 midterm election.