-- Advertisements --
Inanunsyo ngayon ng Commission on Elections (Comelec) na natapos na ang pagiimprenta ng 61,000,000 ballots para sa 2019 midterm elections.
Ayon kay Dir. Teofisto Elnas Jr., nailimbag na lahat ng National Printing Office (NPO) ang mga kinakailangang balota, kaya ang ibang election materials na lang ang kanilang inaasikaso.
Nauna sa printing ang para sa Overseas Absentee Voting (OAV) at ang mga nakalaan para sa malalayong lugar sa bansa.
Pinakahuli umanong inilimbag ang para sa Metro Manila.
Dahil dito, tututok na ang Comelec sa shipment, kung saan makakatuwang nila ang mga forwarder na accredited ng poll body.
Mahigpit naman itong babantayan ng mga otoridad kapag naipadala na sa mga lalawigan.