VIGAN CITY – Puspusan na ang mga ginagawang hakbang ng Commission on Elections (Comelec) para matapos ng maaga ang pag-imprenta ng mga balotang gagamitin para sa May elections.
Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez na bibili muli ng karagdagang mga makina ang poll body para sa mas mabilis na paglilimbag ng mga balota bago ang target deadline nila na April 25.
Nauna ng sinabi ng tanggapan na nasa 30-porsyento pa lang ng kabuuang bilang ng mga balota kanilang naiimprementa, dahil na rin sa pakikipagtulungan ng National Printing Office.
Posible rin daw na bago o sa mismong ika-10 ng Abril ay matapos na ang kanilang ballot printing.
Kabilang sa mga nauna na ng natapos na balotang iimprenta ang gagamitin sa oversease absentee voting, samantalang kasama sa patapos ng susunod na batch ang para Bangsamoro region.