Nilinaw ng economic managers ng pangulo na hindi makakaapekto sa malalaking proyekto ng pamahalaan ang P95-billion na halaga ng pondong tinapyas ni Pangulong Rodrigo Duterte nang lagdaan nito ang P3.7-trillion na national budget.
Ayon kay Department of Finance Sec. Carlos Dominguez III hindi kasali sa priority projects ng gobyerno ang naturang halaga na vineto ng pangulo mula sa pondo ng DPWH.
Ani Dominguez, naiintindihan ng kanilang hanay kung nais ng pangulo na tutukan ang ginagastos ng pamahalaan para sa mga proyekto at aktibidad nito.
Lalo na kung may malaking pakinabang ang mga ito sa publiko, gayundin na magbubunga ng paglago ng ekonomiya ng bansa.
“We fully support the President in his desire to focus national expenditure on projects and activities that redound to the benefit of all Filipinos and stimulate the growth of the economy providing job and income opportunity for the least advantaged,” ani Dominguez.
Nauna ng sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na bukod sa vetoed items ay may ilang probisyon din sa ilalim ng General Appropriations Act ang ipatutupad ng may kondisyon.