Kasado na ang isang prisoner transfer agreement sa pagitan ng Pilipinas at ng United Kingdom.
Ang naturang kasunduan ay pinirmahan mismo ni United Kingdom Ambassador to the Philippines na si Laure Beaufils at ni Department of Justice Secretary Jesus Crispin Remulla.
Layunin ng naturang kasunduan na mailapit ang mga sinentensyahang indibidwal sa kani kanilang mga pamilya at kaibigan upang maging maayos ang rehabilitasyon nito.
Ang kasunduang ito ng UK at Pilipinas ay alinsunod pa rin sa international standards ng paglilipat ng mga prisoner sa kanilang native countries.
Ayon kay UK Ambassador to the Philippines Laure Beaufils, isa itong mahalagang achievement para sa pagpapatibay ng relasyon ng Pilipinas at UK.
Paliwanag naman ni Remulla, kabilang sa mga bansa na may kaparehong kasunduan ay ang Thailand, Hong Kong at Spain.
Binigyang diin nito na maililipat lamang ang isang PDL sa UK kung ang kanyang pamilya ay nasa bansang ito at bilang konsiderasyon narin sa kalagayan ng nga kulungan sa Pilipinas.