Umani ng positibong reaksyon mula sa maraming lider ng iba’t-ibang bansa sa nangyaring pinakamalaking prisoner’s swap sa pagitan ng US at Russia.
Ang makasaysayang prisoners swap ay kinabibilangan ng pagpapalaya ng 24 detainees mula sa Russa.
Kabilang sa pinalaya kasi ay sina American journalist Evan Gershkovich at dating US Marine Paul Whelan.
Si Gershkovich ay inaresto matapos na akusahang ispiya ng CIA habang si Whelan ay may nakaaway na pulis sa Russia at binantaan umano ang buhay nito.
Ang kabuuang 24 na mga preso ay nakakulong sa Russia at Belarus.
Nanguna si US President Joe Biden sa pagpapasalamat sa mga kaalyadong bansa para tuluyang matuloy ang prisoners swap.
Kasama ni Biden sa White House ang ilang mga kaanak ng mga pinalayang preso mula sa Russia na sina Evan Gershkovich, Paul Whelan, Alsu Kurmasheva at Vladimir Kara-Murza.
Ang 47-anyos na Russian-American Journalist na si Kumasheva ay hinatulan ng anim at kalahating taon na pagkakakulong dahil umano sa pagpapakalat ng negatibong impormasyon laban sa Russian army.
Kapalit ng mga pinalaya ang mga pagpapakawala din ng mga Russian dissidents at dating FSB colonel na hinatulan ng kasong murder at ilang indibidwal na inakusahang ispiya at sangkot sa cybercrime.
Sinabi ni Biden na patuloy ang ginagawa nilang pagbibigay babala sa mga mamamayan nila maging maingat sa pagbiyahe sa mga delikadong bansa.
Pinuna din nito si dating US President Donald Trump dahil sa hindi nito nagawa ang prisoners swap noong nakaupo sa puwesto.