-- Advertisements --

LAOAG CITY – Nag-emergency landing ang isang private chopper sa gitna ng bukid sa Barangay Gabut Sur sa bayan ng Badoc.

Ayon kay Police Major Darwin Ocon, ang Asst. Chief ng Aviation Security Unit 1, nakasakay sa private chopper na may body number na RP-C2985 ay dalawang pasaheros, isang piloto, at isang crew.

Sinabi nito ang chopper ay galing ng Maynila at lalapag sana sa Laoag International Airport nang magkaroon ng mechanical problem dahilan para magdesisyon ang piloto na mag-emergency landing.

Inihayag nito na ligtas naman ang lahat ng mga nakasakay sa chopper kung saan matapos nito ay agad na rumesponde ang isa pang private chopper na lulan naman ng isang aircraft mechanic.

Sa ngayon ay nasa gitna pa nang bukid ang naturang chopper habang ang dalawang pasaheros ay may sumundo sa kanila papunta dito sa lungsod ng Laoag.
Samantala, nagpapasalamat naman si Ocon na walang masamang nangyari sa mga lulan ng nasabing chopper.