-- Advertisements --

Inilatag na ngayon ng pamahalaan ang mga polisiya kung papaano makakasama sa pagbili ng mga bakuna laban sa COVID-19 ang mga local government units (LGUs) at maging ang private sector.

Ang naturang mga patakaran ay makaraang makipagpulong ang mga opisyal ng League of Cities of the Philippines (LCP) Committee on Vaccine Availment sa pangunguna ni Iloilo City Mayor Jerry TreƱas kay Vaccine Czar at National Task Force Chief Implementer Secretary Carlito Galvez, Jr.

Ayon sa paglilinaw ni Galvez, maari raw na ang mga siyudad o LGUs sa iba’t ibang lugar sa bansa na pumili kung anong vaccine ang gusto nilang bilhin para sa kanilang mga constituents para ang gobyerno naman ang makipagnegosasyon sa mga vaccine companies sa ibang bansa.

galvez LGUs
Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez, Jr.

Bumuo na rin ng mekanismo ang tanggapan ni Sec. Galvez para doon naman sa private sector, kasama ang mga kompaniya o mga negosyo na gusto ring makabili ng bakuna para sa kanilang mga empleyado.

Batay sa mekanismo, pipirma sa isang kasunduan o tripartite agreements ang private sector kasama ang national government at ang vaccine manufacturers.

Nakapaloob sa kasunduan o ispisipiko kung anong vaccine ang nais bilhin ng pribadong sektor ay dapat 50% dito ay ibibigay na donasyon sa local governtment units.

“Private sector agreements will include a clause that 50% of the vaccines procured may be given to private sector employees while 50% of the vaccines procured will be donated to local government units,” bahagi ng abiso ng LCP sa private sectors. “The donation to LGUs may be included in the national government signatory side.”

Samantala, binigyang diin naman ni Testing Czar Vince Dizon, mahalaga na pumasok ang mga private companies sa tripartite agreement dahil sa limitado ang vaccines at kung government to government ang negotiations ay mas makakamura umano ng presyuhan sa pagbili ng bakuna.