ILOILO CITY- Nagbigay ng isang buwang palugit ang Private Hospital Association- Western Visayas Chapter sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) upang mabayaran ang kanilang utang na umaabot sa halos P1-B
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo kay Dr. Elmer Pedregosa, presidente ng nasabing asosasyon, sinabi nito na hanggang sa Enero 31 lang ang kanilang binigay na palugit sa state insurer upang pabibilisin ang pagbayad ng unpaid claims sa mga private hospitals sa Iloilo City.
Aniya, kahit 80% lang na unpaid claims sa private hospitals ay dapat na bayaran upang hindi sila kumalas sa state insurer.
Maliban dito, hiniling rin ng mga private hospitals sa Iloilo City ang quarterly na annual basis ng performance commitment; co-payments para sa COVID-19 patients; No-balance-billing para sa mga pribadong ospital; kailangan ang subtantial explanations ng mga Return-To-Hospital claims at dapat mayroong proof of fraud ang mga denied claims.