-- Advertisements --
pacquiao sean gibbons
Pacquiao during weigh-in at MGM Grand (photo from Bombo Radyo international correspondent Ponciano “John” Melo)

GENERAL SANTOS CITY – Maaring hindi na patagalin pa ni Senator Manny Pacquiao ang pag-knockout sa undefeated na si Keith Thurman bukas sa MGM Grand Arena sa Las Vegas, Nevada.

Ito ang pahayag ni dating kagawad Golden Boy Herrera, na jogging-buddy ni Pacman sa interview ng Bombo Radyo Gensan.

Ayon kay Herrera, baka dalawang rounds lang ang itatagal ng laban at patutumbahin na si Thurman dahil gustong makauwi kaagad ng Pilipinas ni Pacman para makadalo sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Lunes.

Idinagdag pa nito, may naghihintay ng private plane na siyang sasakyan ni Pacman kung saan posibleng sa Lunes ng alas-3:00 ng hapon sa pagtaya ay makaka-landing na ang eroplano nito.

Napag-alaman na una nang nakauwi ang mga kapatid na sina OFW Partlylist Rep. Bobby Pacquiao at Sarangani Rep. Ruel Pacquiao para dumalo sa SONA ng Pangulo.

Hindi na inantay pa ng dalawa ang laban bukas ng fighting senator pero naging bahagi naman ang mga ito sa training camp.

Samantala ang ibang entourage ay uuwi rin sa susunod na araw.

Una nang sinabi ni Herrera na bibigyan nito ng iskor na 10 bilang pinakamataas na puntos ang stamina ni Pacman dahil kondisyon na kondisyon umano ito at siguradong umaatikabong bakbakan ang naghihintay bukas sa MGM Grand Arena.

pacquiao thurman staredown
Pacquiao and Thurman staredown (photo from Bombo Radyo international correspondent Ponciano “John” Melo)