CENTRAL MINDANAO – Patay sa pamamaril ang isang kolektor ng pautang sa probinsya ng Cotabato.
Nakilala ang biktima na si Michael Borja Delos Santos, 32, may-asawa, private lending collector at residente ng Barangay North, Manuangan, Pigcawayan, Cotabato.
Ayon kay Cotabato Police Provincial director Colonel Henry Villar na sakay ang biktima sa kanyang minamanehong motorsiklo sa Sitio Damagi, Barangay Tumbras, Midsayap, Cotabato nanggaling sa paniningil ng pautang nang ito ay abangan ng dalawang hindi kilalang suspek at pinagbabaril sya gamit ang kalibre .45 na pistola.
Mabilis namang tumakas ang mga salarin sakay din ng motorsiklo tangay ang nakolektang pera at cellphone ng biktima.
Patay on the spot si Delos Santos nang magtamo ng tatlong tama ng bala sa katawan.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Midsayap PNP sa pamamaril patay sa biktima.