-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Isang pribadong paaralan sa lungsod ng Cotabato ang isinara ng lokal na pamahalaan.

Ikinandado ng LGU-Cotabato City ang Mindanao Capitol College Incorporated (MCCI) sa Don Roman Vilo St., Brgy. Poblacion sa lungsod.

Ikinagulat ito ng mga estudyante at mga guro nang makita nila na ikinandado na pala ang kanilang paaralan.

Sinabi ng school registrar ng MCC1 na si Kunesa Alon Mamadra pinoproseso pa ang business permit ng paaralan at hindi nila inaasahan na isasara ito ng LGU.

Nakiusap naman si Mamadra na sana bigyan pansin ang mahigit 300 na mga mag-aaral ng MCCI habang inaayos pa nila ang kanilang business permit.

Ngunit sa Facebook advisory ng city government ng Cotabato City ay iginiit nito na wala umanong license to operate bilang educational institution ang MCCI.

Noong taong 2003 ay kinansela ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang lisensya ng MCCI dahil hindi nakapagsumite ng mga requirements ng General Sheet and Financial Statements mula pa noong 1997.

Hindi rin nagbabayad ng buwis ang MCCI sa lokal na pamahalaan ng Cotabato City pero patuloy pa rin silang sa nag-o-operate.