BUTUAN CITY – Umapela si Butuan City at Agusan del Norte 1st District Rep. Lawrence Lemuel Fortun sa lahat ng mga private schools sa buong bansa na magpapatupad muna ng moratorium sa nakasanayan na nilang taunang tuition fee hike simula ngayong taon hanggang sa 2022.
Ito’y dahil na rin sa epektong hatid ng COVID-19 pandemic kung saan marami ang nawalan og trabaho dahil sa dami ng mga negosyong nagsara.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ng kongresista na nakipag-ugnayan na ang Kongreso sa Commission on Higher Education (CHED) at sa Department of Education (DepEd) upang mabigyan kaagad ng ayuda ang mga private schools upang maiwasan ang mga fee hikes.
Ma-prove umano ito sa mga pandemic tax rates kung saan ang mga maliliit na non-profit proprietary school ay makaka-avail nito sa pamamagitan ng tamang filings sa Bureau of Internal Revenue (BIR).
Kanyang inihayag na ang Department of Social Welfare and Development ay kailangang makikipag-ugnayan sa mga asosasyon ng mga private schools upang ang mga relief goods at hygiene kits ay maibibigay na kaagad sa mga personahe ng mga maliliit na private schools.
Pati ang Department of Labor and Employment (DOLE) maari ding magbigay sa mga maliliit na pribadong paaralan para sa ilang Bayanihan cash aid programs, habang ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases, maaaring mag-abot ng non-tax incentives na magpapababa sa operations costs ng mga maliliit na private schools at ibang mga maliliit na negosyo.
Inihayag nitong ang Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) Act ay maaring magsilbing giya para sa nakadepende sa tax incentives bilang tools ng national policy.