-- Advertisements --

Nilinaw ng Department of Education (DepEd) na tuloy ang klase sa mga pribadong paaralan na nakapagsimula na bago lumabas ang anunsyong inilipat sa Oktubre 5 ang school opening.

Sa isang pahayag, sinabi ng DepEd na maaari ring magsimula ng klase nang mas maaga sa nasabing petsa ang mga non-DepEd at private schools sa bansa.

Pero binigyang-diin ng ahensya na dapat ay distance learning modalities lamang ang gagamitin ng naturang mga paaaralan at wala dapat isagawang face-to-face classes.

Inatasan din ang mga private schools na isumite sa mga regional director ang mga kinakailangang dokumento kaugnay sa readiness assessment.

“DepEd hereby clarifies that such private or non-DepEd schools that have already started their classes, or are scheduled to start classes on August 24 or on other dates ahead of October 5, are allowed to proceed provided they are strictly using only distance learning modalities and that there are no face-to-face classes,” saad ng kagawaran.

Una na ring nilinaw ng Malacanang na hinahayaan na nila ang mga private schools na nagsimula na ang mga online classes na magpatuloy.

Nitong Biyernes nang ianunsyo ng Deped na ililipat na sa Oktubre ang pasukan mula sa inisyal na Agosto 24.