-- Advertisements --

Hinimok ng Department of Finance (DOF) ang private sector na lalo pang makibahagi sa infrastructure project na target sa pagpapabuti ng kalagayan ng mga pantalan at pagtatayo ng mas marami pang terminals sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Sa kanyang speech sa inauguration ng Berth 2 ng Batangas Container Terminal (BCT) noong Lunes, hinikayat ni Finance Secretary Carlos G. Dominguez III ang Asian Terminals Inc. (ATI) at stakeholder nito na DP World na makibahagi sa infrastructure projects ng pamahalaan.

Sinabi ni Dominguez na marami pang mga pantalan na kailangang gawing modernized at mayroon din aniyang nakatakdang ipatayong bagong terminals katulad na lamang ng sa Consolacion, Cebu at ang apat sa Mindanao.

Malaki aniya ang maitutulong ng pagkakaroon ng mas marami pang pasilidad kagaya na lamang ng mga pantalan.

Inihalimbawa ni Dominguez ang BCT na kaya nang mag-handle ng mahigit 450,000 na 20-footer containers kada taon kumpara sa dati nitong annual capacity na 300,000 na 20-footer units.