-- Advertisements --

Umaabot sa P800 million o $16 million na halaga ang naiambag na ng pribadong sektor para isulong ang muliti-platform approach sa pagbili ng bakuna laban sa COVID-19.

Sinabi ni Lance Gokongwie ng JG Summit, kalahati ng kabuuang mahigit 3 milyong doses ng bakuna laban sa COVID-19 na kanilang bibilhin ay ibibigay nila sa Department of Health (DOH) para maibigay naman sa priority sectors na babakunahan.

Ayon kay Gokongwei, ang kalahati naman ay ibibigay sa kanilang mga empleyado at mga tauhan.

Ang inisyatibong ito umano ng pribadong sector ay bilang pakikiisa sa “whole of nation approach” at bilang pagkilala na dapat walang iwanan, walang kanya-kanya at walang turuan sa pagkuha ng supply ng bakuna ng bansa para sa ating mamamayan.

Nakipag-usap na umano ang National Task Force against COVID-19 sa pangunguna ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. sa AstraZeneca para sa mga bibilhing doses ng COVID-19 vaccine.