Marami mula sa private sector ang nagpaabot ng tulong sa mga biktima ng magnitude 6.1 na lindol sa Luzon kahapon.
Ayon kay dating Pangulo at kasalukuyang House Speaker Gloria Macapagal Arroyo, na nasa Porac, Pampanga magmula kagabi, maraming kompanya at grupo at nagpapa-abot ng tulong, kabilang na ang Meralco, PLDT, Ayala Corporation, mining firm na Philex, ang Makati Business Club, at Philippine Disaster Response Foundation.
Kabilang sa mga tulong na ipinaabot ng mga private companies na ito ay ang deployment ng mga rescue teams, generator sets, floodlights, at choppers, maging ang personnel at equipment para sa road cleaning operations.
Lubos na nagpapasalamat ang lider ng Kamara sa mga nagpaabot ng tulong dahil sa kanilang suporta sa mga biktima ng lindol.
“I’m grateful that everybody is doing everything to save lives, help the injured and restore normalcy as soon as possible,†ani Arroyo.
Bukod sa tulong mula sa private sector, nagpadala na rin ang Angeles, Pampanga ng mga truck at ambulansya.