-- Advertisements --

Walang balak umano ang mga nasa private sector na bumili ng mga booster shots ng COVID-19 para sa kanilang mga manggagawa.

Ayon kay Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion, ito ay dahil sa mayroon pa silang mga sapat na suplay ng COVID-19 vaccine.

Sa loob ng anim na buwan ng 2022 ay hindi muna sila bibili ng booster shots pero tinatrabaho na nila ang pagkakaroon ng kasunduan sa AstraZeneca para bumili ng boosters sa ikalawang anim na buwan ng susunod na taon.

Sa panig naman ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce & Industry, Inc. (FFCCCII) kaunti na ang suplay ng kanilang Sinovac vaccines at marami ng nagpa-booster sa mga ito sa mga local government unit.