-- Advertisements --
go negosyo jeoy concepcion
Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion

Sasali na rin ang pribadong sektor sa pagbili ng halos tatlong milyong doses ng COVID-19 vaccines mula sa British-Swedish pharmaceutical company na AstraZeneca.

Ayon kay Presidential Adviser for Entrepreneurship at Go Negosyo founder Joey Concepcion, layon ng kanilang hakbang na matulungan ang goyerno sa hiwalay na pagbili ng mga bakuna.

Aniya, ang papasukan nilang kontrata sa AstraZeneca ay nagkakahalaga ng P600 million hanggang P700 million.

Target daw nila na makabili ng aabot sa 2.5 million hangang three million doses na maaaring makapagbakuna ng 1.5 million katao.

Ang vaccines ay ido-donate naman sa Department of Health.

Habang ang kalahati naman ay ilalaan sa mga government frontliners at ang kahati pa ay sa mga empleyado sa private sector, kasama ang regular at contractual.

Aabot din daw sa 70,000 doses ng vaccine ang ibibigay nila sa mga micro, small, and medium enterprises (MSMEs) na makakabenipisyo ang nasa 35,000 katao.

Inaasahan na ang vaccine na AstraZeneca ay nagkakahalaga ng P500 o $10 para sa dalawang doses.

“We’re targeting 2.5 million to three million doses which will help 1.5 million people in the upper end of the range since the vaccine requires two doses. We want to ensure that the Philippines will not be left behind when the vaccines come out in 2021,” ani Concepcion sa statement. “The vaccines will be donated to the Department of Health, who will handle the deployment. Half of the donations will be set aside for government frontliners, while the other 50 percent will cover employees in the private sector, both regular and contractual.”