-- Advertisements --

Masayang ibinahagi ng mag-asawang Priyanka Chopra at Nick Jonas na sila ay magulang na.

Sa kanilang Instagram ay inanunsiyo nila ang pagdating ng kanilang unang anak sa pamamagitan ng surrogate.

Hindi na nagbigay ang dalawa ng anumang detalye sa nasabing bata at humingi na lamang sila ng ‘privacy’.

Taong 2018 ng ikasala ang 39-anyos na dating Miss World sa 29-anyos na miyembro ng Jonas Brothers.

Isinagawa ang kasal sa India ang tatlong araw na magarbong kasal.

Unang nagkakilala ang dalawa noong 2017 at noong sumunod na taon ay inanunsiyo nila ang kanilang engagement.

Noong nakaraang mga buwan ay nasi ng dalawa na magkaroon na ng sariling anak.