LA UNION – Kabuuang 450 na mga bagong pulis ang ibinigay ng PNP headquarters na quota para sa buong Region One, mula sa Regular Recruitment Program ngayong taon.
Ang mga pumasa sa Police Entrance Examination para sa PO1 at may mga civil service eligibility ang kuwalipikado na mag-apply at pumasok sa Philippine National Police.
Ang PNP recruitment ay taun-taon na isinasagawa para sa hangaring lalo pang mapalakas ang puwersa ng mga uniformed personnel ng PNP, tungo sa 1:505 police-to-population ratio, malapit na sa ideal na 1:500 ratio.
Sila rin ang magpupuno sa mga binakanteng posisyon ng mga nag-retiro na sa serbisyo, nag-resign, at sinibak sa serbisyo.
Ang PO1 Recruitment program na idinadaan ngayon sa PNP Online Recruitment Application System (ORAS) ay nagsimula noong March 31, 2019.