-- Advertisements --
LA UNION – Kabuuang P110,000 ang ibinigay na financial assistance ang liderato ng Police Regional Office (PRO)-1 na pinangungunahan ni PBrig. Gen. Ricardo Azurin, para sa mga biktima ng pagbaha sa Cagayan Valley.
Namigay din ang mga pulis ng relief packs para sa mga sinalanta ng matinding pagbaha.
Maliban dito, nag-deploy ang PRO-1 ng kanyang puwersa sa Cagayan para tumulong sa rescue operation at relief efforts para sa mga biktima ng nagdaang bagyong Ulysses.
Kabilang sa mga ipinadala ang isang medical team at limang team ng police search and rescue contingent.