-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Binigyang katiyakan ng Police Regional Office 10 na nasa ligtas na kalagayan ang publiko laban sa anumang banta pang-seguridad sa Northern Mindanao.

Tinukoy ni PRO 10 Director Police Brig. Gen Jaysen De Guzman ang ipinapatupad na heightened alert status ng Philippine National Police kasunod ng selebrasyon ng Araw ng mga Santo (All Saints Day) na isigawa ng buong bansa nitong araw.

Sa panayam ng Bombo Radyo, inihayag ni De Guzman na personal nitong iniikot ang ilan sa mga malaking pampublikong sementeryo particular sa Cagayan de Oro City Memorial Park kung saan nakalibing ang higit pitong katao.

Sinabi ni heneral na nais lang ng PRO 10 na matiyak na nasunod ang security deployment plan ng bawat lower units ng kanilang hanay para walang dapat ipangamba ang cemetery goers hanggang bukas.

Magugunitang maigting rin ang monitoring ng intelligence community at mahigpit ang ipinatupad na border security controls upang hindi makagalaw ang sinumang grupo na mayroong balak na manggugulo sa All Saints at Soul Days nitong taon.