CAGAYAN DE ORO CITY- Ipinag-utos ng Philippine National Police sa lahat ng kanilang nasasakupan sa lower units na maging matatag at pokus sa trabaho kahit kinaharap ang tambak na hamon ng pinasok nila na propesyon.
Ginawa ni Police Regional Office 10 Director Brig Gen Jaysen de Guzman ang mensahe habang masusubok na naman ang katagtagan ng kanilang mga tauhan na magbibigay seguridad sa mga aktibidad na mayroong kaugnayan sa pagsisimula ng certificate of candidacy filing ng probable candidates sa 2025 elections.
Sinabi ng heneral na malagay man minsan sa dehado na pagkatataon ang mga pulis dahil sa pagpatupad ng tamang serbisyo ay hindi ito kinaligtaan ng national government bagkus ay tinumbasan ng mga karapat-dapat na pagkilala.
Tagubilin ni De Guzman sa kanyang mga tauhan na panatilihing propesyonal sa trabaho at umiwas ng mga pagkiling sa mga politiko para masunod ang kagustuhang mangyari ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr at PNP chief General Rommel Marbil na para sa bansa.