CAGAYAN DE ORO CITY – Nailipat na sa magkaibang lugar ang higit 100 na pulis na mayroong mga kaanak na kabilang sa mga sasabak ng 2025 midterm elections sa bahagi ng Northern Mindanao.
Kasunod ito nang kautusan ng Philippine National Police na iwasan na magamit ang ahensiya ng kanilang mga personahe para makakuha ng pabor ang mga kaanak nito sa halalan sa susunod na taon.
Sa panayam ng Bombo Radyo, inihayag ni Police Regional Office 10 spokesperson Major Joann Navarro na ilang araw pagkatapos sinara ng Commission on Elections (Comelec) ang certificate of candidacy filing ng mga kandidato ay sinunod agad ang re-assignment ng kanilang kasamahan.
Paliwanag ni Navarro na hindi na ito bago sa kanilang hanay na hakbang dahil pinanatili lang nila na malayo umano sa impluwensiya ng politika ang mga pulis para hindi maapektuhan ang kanilang trabaho.
Napag-alaman na tatlo sa nasabing bilang ay kapwa commission officers habang ang natitira ay lahat non-commission officers.