DAVAO CITY – Nakaalerto na rin ang buong Police Regional Office (PRO-11) at masinsinang mino-monitor ang mga lugar na posibleng pinagtataguan ni KAPA – Community Ministry International Inc. founder Joel Apolinario.
Ayon kay PRO-11 spokesperson Maj. Jason Baria, kaagad nilang ipagbibigay-alam sa National Bureau of Investigation (NBI) sa oras na makatanggap sila ng impormasyon patungkol sa lokasyon ni Apolinario para sa agarang paghuli sa kanya.
Inamin naman ng PRO-11 na wala pa silang hawak na kopya sa warrant of arrest laban kay Apolinario.
Ang SEC ay pormal na ring naghain ng kaso laban kay Apolinario at mga opisyal ng KAPA.
Matatandaang una nang ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na hulihin ang mga opisyal sa KAPA at ipahinto ang operasyon nito na tinawag nitong pyramiding scam.