-- Advertisements --

Nilinaw ng Police Regional Office 11 na hindi mag-ina ang nasagip na biktima umano ng human trafficking sa loob ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) Compound sa Buhangin, Davao City.

Ayon kay Police Major Catherine dela Rey, spokesperson ng PRO 11, ang babaeng nasagip ay ina na pina-rescue ng kanyang mga anak na taga-Midsayap, Cotabato.

Habang ang lalake naman na 21 taong gulang ay humiling na iligtas ng kaniyang mga magulang sa Samar dahil ayaw umano siya pauwiin.

Ang pag-rescue ay nangyare kasabay ng pagsisilbi ng warrant of arrest kay Pastor Apollo Quiboloy at apat pang kapwa nito akusado ng PRO 11 sa tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Dinala naman na ang dalawang biktima sa RWCPD XI para sa interview at documentation.