-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Tinitiyak ng Police Regional Office 12 na haharapin ng mga miyembro ng pulisya ang ano mang krimen kung mapapatunayang sangkot ang mga ito.

Ito’y matapos inimbestigahan ni Police Brig. Gen. Jimili Macaraeg, regional director ng PRO-12, ang lumabas na ulat na may isang pulis na sangkot umano sa pagkakakumpiska ng mga smuggled na sigarilyo sa Soccskargen region.

Matatandaang nasabat ang nagkakahalagang mahigit P19 milyon na smuggled cigarettes sa checkpoint ng militar sa Barangay Bawing sa lungsod na ito noong nakaraang linggo.

Tatlong mini-cargo trucks ang naharang ng mga miyembro ng Joint Task Force GenSan at tumambad sa mga otoridad ang 1,700 rims ng sigarilyong pinaniniwalaang mula sa Indonesia.