-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Naglabas na ng marching order si PNP Chief PGen. Archie Gamboa na hanapin at dakpin ang mga salarin na nanambang at nakapatay sa dalawang pulis at pagkasugat ng dalawang iba pa.

Ito ang sinabi ni BGen. Alfred Corpuz, regional director Police Regional Office (PRO)-19 sa panayam ng Bombo Radyo GenSan.

Ayon kay Corpuz, alam na umano ni Gamboa ang nangyari kaya’t naka-half mast na ang bandila sa mga istasyon ng pulisya sa rehiyon habang may ginagawang police operation sa hindi tinukoy na lugar.

Tinumbok ni Corpuz ang mga gumagawa ng krimen kagaya ng Il;legal drugs at iba pang kriminalidad sa bayan ng Polomolok, South Cotabato.

Una rito, pauwi na sana kahapon ang apat na pulis nang paulanan sila ng bala ng M16 rifle ng pitong mga armadong lalaki sa Purok 3, Koronadal Proper na ikinamatay ni PCpl. Witzel Russ Bitantos at Patrolman Bryan Costelo at pagkasugat ng dalawa pang pulis.

Plano din ng PNP na maglagay ng police substation sa nasabing lugar.