BUTUAN CITY – Proactive ngayon ang Police Regional Office (PRO) 13 kasabay ng ika-52 anibersaryo ngayong araw ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA).
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni PRO-13 information officer PMajor Dorothy Tumulak na nag-deploy sila ng karagdagang mga personahe dahil naka-full alert ngayon ang lahat ng mga police units sa buong rehiyon upang ma-monitor ang mga aktibidad ng makaliwang grupo.
Ito ay lalo na at may nakuha silang impormasyon mula sa kanilang intelligence community na magsasagawa umano ng pang-aatake ang nasabing grupo sa mga piling police stations kungsaan sa mga lugar na target nilang aatakihin ay mas mahigpit na siguridad ang ipinatupad.
Nilinaw din ng opisyal na walang dapat na ipagdiwang ang CPP-NPA dahil kagaya ng Philippine Army, wala umanong naibigay na maganda ang naturang sa mga tawo kundi puro lamang mga pananakot.
Binabalaan din nito ang kanilang mga kasamahan na bantayan ang kanilang personal na siguridad upang hindi mabiktima ng mga rebelde gaya sa mga nangyari ng iila nilang mga kasamahan nitong nakaraang mga buwan.
Upang magpapatuloy ang suporta ng komunidad sa kanilang hanay ay ipinapakita ng pulisya ang sinsiridad ng kanilang ipinatupad na mga programa at mga proyekto para sa mga dating rebelde at nang madadagdagan pa ang mga susuko nilang kasamahan.
Samantala simpleng ipinagdiwang ng Bagong Hukbong Bayan ang kanilang ika-52 na anibersaryo base na sa pagkumpirma ni Ka Diwa Habagat, nagpakilalang tagapagsalita ng New People’s Army-Agusan del Norte sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan.
Ayon kay Ka Diwa, ang simple nilang selebrasyon ay di umano nagpapahwatig sa humihina nilang pwersa gaya umano ng pinapakalat ng mga otoridad kundi dahil umano sa mga sagabal kung kaya’t wala silang ini-imbita.