CEBU CITY – Nakahanda nang bumuo ng Special Investigation Task Group (SITG) ang Police Regional Office (PRO-7) kaugnay sa pagbaril-patay sa dating senior investigator ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG-7) na si Cpt. Delfin Bontuyan.
Ito’y matapos na kinumpirma ni PRO-7 regional director Brig. Gen. Debold Sinas na may inaasikasong hearing si Bontuyan sa lungsod ng Cebu.
Ayon kay Sinas, hinihintay na lang nila ngayon ang request ng Cebu City Police Office na bubuo ng nasabing SITG.
Isinumite na rin aniya nila sa Anti-Cyber Crime Group ang dashcam na mula sa taxi kung saan natumba si Bontuyan.
Samantala, handa rin umanong tumugon ang PRO-7 kung mag-request ang pamilya Bontuyan ng 21-gun salute sa libing ng dating opisyal bilang bahagi nang pag-aalay.