CEBU – Layunin ngayon ng Police Regional Office Central Visayas na madagdagan pa ang mga drug free barangay sa buong rehiyon matapos ang paglunsad ng “Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan” o BIDA program ng Department of Interior and Local Government Unit o DILG.
Inihayag ni PRO 7 Director Police Brigadier General Roderick Augustus Alba na ang nasabing programa ay magpapalakas sa partisipasyon ng komunidad upang masugpo ang iligal na droga, hindi lamang sa rehiyon 7 kundi pati na rin sa buong Pilipinas.
Ayon kay Alba na simula pa lang ito sa mas malaking hamon ng pulisya, ngunit sa pamamagitan ng pagtutulongan kasama ang komunidad, tiwala itong maging mapayapa at madagdagan pa ang mga drug free barangay ng Central Visayas.
Kung maalala na isa ang Cebu sa naging venue ng paglunsad ng “Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan” o BIDA program kasama ang mga local officials, national government agencies, partner NGOs, personnel ng PNP, BFP, BJMP, PDEA at ‘present’ rin si DILG Undersecretary Marlo Iringan.