PRO-7, nakumpiska ang P2.4B na halaga ng iligal na droga at naaresto ang halos 17K indibidwal mula nang maupo noong 2022
Unread post by STARFMCEBUNEWS » Wed Jul 24, 2024 11:10 am
PRO-7, nakumpiska ang P2.4B na halaga ng iligal na droga at naaresto ang halos 17K indibidwal mula nang maupo noong 2022 si Pangulong Marcos; Conviction rate, naitala sa 99%
CEBU CITY – Ibinida ngayon ng Police Regional Office-7 na simula nang maupo sa pwesto si Pangulong Ferdinand Marcos Jr noong 2022, nakumpiska nila ang nasa P2.4 billion pesos na halaga ng ilegal na droga at naaresto ang halos 17,000 na indibidwal sa buong Central Visayas.
Inihayag ni PRO-7 spokesperson PLt Col Gerard Ace Pelare na nangangahulugan lamang umano itong highly-analytical at agresibo ang kanilang kampanya laban sa iligal na droga.
Sinabi pa ni Pelare na sa mga naaresto, 99% ang nahatulang guilty at karamihan ay inamin ang kanilang mga kasalanan na nangangahulugan lamang umanong may nakukuha talagang ebidensya at lehitimo ang kanilang operasyon.
Nagpapawalang-bisa lang din umano ito sa mga naunang alegasyon na ang mga operasyon ng pulisya ay hindi naaayon sa batas.
Samantala, sinabi pa ni Pelare na sa 3,003 barangay sa rehiyon, nasa 71% na ng mga barangay na ito ang naideklara nang drug-cleared.
Binigyang-diin naman nito na ang naturang pagdeklara ay ay pinagsamang pagsisikap ng iba’t ibang ahensya sa pangunguna ng Philippine Drug Enforcement Agency.
Aniya, hindi rin umano makakamit kung walang tulong mula sa komunidad.