Tiniyak ng Police Regional Office-7 sa lahat na walang dapat ikaalarma pagdating sa mga insidenteng kagagawan ng mga menor de edad.
Inihayag ni Police Regional Office-7 spokesperson Police Lieutenant Col. Gerard Ace Pelare na ito ay dahil bukod sa kanilang mga pagsisikap sa paglutas ng krimen, mayroong itinatag ang pulisya na mga hakbang sa pag-iwas sa krimen sa pakikipag-ugnayan sa Department of Social Welfare and Development.
Sinabi pa ni Pelare na bahagyang tumaas ang kaso nito noong nakaraang taon sa 400 noong nakaraang taon mula sa 308 na kaso noong 2022.
Batay pa sa record, karamihan sa mga ito ay nasasangkot sa kaso ng iligal na droga.
Aniya, estratehiya pa umano ito ng mga drug traffickers na gamitin ang mga menor de edad dahil hindi makukulong ang mga ito.
Inamin naman ni Pelare na isang hamon ito sa kanila gayunpaman, gagawa pa umano ang pulisya ng ilang mga adjustments para sugpuin ito.
Kabilang pa sa pangunahing alalahanin sa rehiyon ay ang iligal na droga, at robbery and theft ngunit siniguro nito na walang dapat ikaalarma.