Inaprubahan na ng Korte Suprema ang Rules on Unified Legal Aid Service (ULAS) na naglalayon sa mga abogado na magbigay ng 60 na oras na libreng serbisyong legal kada tatlong taon. Ang programang ito ay para sa mga mahihirap na mga Pilipino.
Ang mga libreng mga serbisyong legal ay maaaring pag-representa sa korte, legal counseling, paggawa ng mga legal na dokumento, legal assistance at pakikiisa sa mga accredited legal outreach programs.
Sa ilalim ng Rules on Unified Legal Aid Service (ULAS), ang sino mang walang kakayahang kumuha ng serbisyong legal ay maaaring kumuha ng libreng legal service.
Kaugnay nito, ang mga abogado na makakakumpleto ng serbisyo ay maaari ng makakuha ng credits sa ilalim ng Mandatory Continuing Legal Education (MCLE) at makakuha ng tax incentives. At kung hindi naman nila ito masusunod ay maaari silang multahan at hindi na makakakuha ng Certificate of Good Standing mula sa Office of the Bar Confidant.