-- Advertisements --

VIGAN CITY – Dumepensa ang Police Regional Office Cordillera sa ibinibintang ng kampo ng Pilar, Abra Vice Mayor Jaja Josefina Disono na panghaharas sakanila ng PNP.

Base sa ipinalabas na statement ng PRO Cordillera, itinanggi nila ang paratang ng opisyal kung saan iginiit ng kapulisan na lehitimong hot pusuit operation ang kanilang sinigawa.

Lumalabas na nagsasagawa ng checkpoint ang Pilar Municipal Police Station kasama ang Regional Mobile Force Battalion 15 ng hindi huminto ang isang puting Toyota HiAce kung saan nakasakay ang mga hindi pa nakikilalang personalidad at nasugatan sa nasabing pangyayari ang dalawang pulis mula sa RMFB.

Habang tumatakas ang sasakyan nagpaputok umano ng baril ang mga nakasakay at tinamaan ang windshield ng patrol car ng PNP.

Nakitang pumasok ang nasabing van sa compound ni Vice Mayor Jaja Josefina Disono ng Pilar, Abra.