-- Advertisements --
hong kong 0
Hong Kong

Nagwagi ang opposition na pro-democracy movement sa district council elections.

Mayroon kabuuang 2.9 million katao ang bumuto o 71% ang turnout kumpara sa 47% noong 2015.

Ang nasabing halalan ay tinatawag ng test support para kay Chief Executive Carrie Lam.

Nais kasi ng pro-democracy groups ang botohan para iparating ang kanilang lakas sa Chinese government matapos ang anti-government protest.

Umabot din sa 4.1 million mamamayan ng Hong Kong ang nagparehistro para bumuto kung saan mahigit kalahati ng populasyon na nasa 7.4 million.

Sa nasabing botohan ay nakuha ng pro-democracy ang 201 sa unang 241 na seats na idineklara kung saan 28 lamang naipanalo ng Pro-Beijing.

Nakasaad sa electoral system ng Hong Kong na mayroong 117 district councilors ang uupo sa 1,200-member committee na siyang buboto sa bagong chief executive.