-- Advertisements --
Nagbitiw ang lahat ng mga pro-democracy lawmakers sa Hong Kong.
Ito ay matapos na sapilitang tanggalin ng China ang apat nilang kasamahan.
Nagpasa kasi ang China ng resolution sa pagtanggal sa mga pulitikong banta sa kanilang national security.
Maraming mga eksperto ang nagsabi na ang ginawang ito ng China ay tila paghigpit sa kanilang kalayaan.
Itinanggi naman ng China ang nasabing alegasyon.
Magugunitang inaprubahan ng China ang national security law na naglalayong higpitan ang kalayaan ng Hong Kong noong Hunyo.