-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Tila pina-konsensiya ng ilang mga sakop ng Kamara ang mga senador na lawakan ang pag-uunawa at paghimay ng isyung diborsyo na mainit na pinagde-debatehan ng mga grupong sang-ayon at salungat sa bansa.

Kaugnay ito sa papa-akyat ng pasado na absolute divorce bill dahil pasado ng pangatlo at pinal na pagbasa sa Kamara patungo sa Senado para sa sarili rin nila na bersyon bago tuluyan na maging ganap na batas kung sakaling makalusot.

Sinabi ni House Committee on Women and Gender Equality chairperson at Bataan 1st District Representative Geraldine Roman na hindi pagsira ng binuo na pamilya bagkus ay pagbigay ng pangalawang tsansa na matamasa ang tunay na kalayaan at kaligayan para sa nakaranas nang wasak na relasyon.

Paliwanag ng kongresista na bago pa man isarado ng mga senador na tutol sa panukala ay sana maisip rin umano nila kung gaano kahirap makipag-sapalaran ng isang ina o babae na nasa loob ng toxic relationship.

Hindi umano ipinag-pumilit ng panukalang batas para sa mga pamilya na buo at masaya subalit ukol ito sa naghihingalo na kababaehan para tuluyang makalaya mula sa puno ng mga pang-aabuso.

Magugunitang nasa ‘technical tie’ umano ang bilang ng mga senador na payag at tutol sa usaping disborsyo kaya umaasa sila na makakuha ito ng sapat na suporta kung simulan ng tatalakayin ng Senado na kasalukuyang pinamunuan ni Senate President Francis Escudero na hayagan ng kontra sa isyu.