Nagtipon sa opisina ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para magpakita ng suporta sa ahensya para sa pagpapatuloy ng Public Transport Modernization Program (PTMP).
Kabilang sa mga grupong nagtipon dito ay ang mga grupo ng Pasang Masda, ALTODAP, ACTO, Busina, at CURODA na nagsasabing sangayon sila sa modernisasyon ng mga pampasaherong jeep.
Ito rin ang mga grupong hindi sumama sa strike na inorganisa ng Manibela na siyang nagumpisa ngayong araw at magpapatuloy hanggang sa Miyerkules, Marso 26.
Ayon sa National President ng Pasang Masda na si Obet Martin, mas magandang makipagugnayan sa mga opisyal sa transportation agencies para makapagsilbi aniya ang transport sector sa mga mananakay.
Aniya, sa pamamagitan ng pagiging constructive sense makikita na dapat inuuna ang kapakanan ng mga commuters at makapagserbisyo ng maayos sa mga dapat na serbisyuhan nila.
Samantala, pinasalamatan naman ni LTFRB Chairperson Teofilo Guadiz ang mga sumusuporta sa inisyatibong ito ng kanilang ahensya para sa mas maayos na transportation sector.