-- Advertisements --
Rep Ferdinand Gaite
Rep Gaite/ FB post

Mas malakas na Security Tenure Bill at pro-worker ang inihain ng Makabayan bloc sa Kamara ngayong araw

Layon ng House Bill No. 3381 na inihain ng Makabayan bloc na amiyendahan ang Article 106 ng Labor Code of the Philippines kung saan tuluyang ipagbabawal ang lahat ng uri ng kontraktwalisasyon at fixed term employment.

Target din nitong ipagbawal ang direct hiring ng mga contractual employees.

Isinusulong din ng panukalang batas na ito na patawan ng penalty mula sa isang milyon hanggang P10 million at pagkakakulong ng anim na buwan hanggang tatlong taon, at posibleng suspensyon o cancellation ng kanilang business permits.

Sa isang statement, sinabi ni Bayan Muna Rep. Ferdinand Gaite na hindi pa tapos ang laban kontra kontraktwalisasyon matapos i-veto ni Pangulong Rodrigo Duterte kamakailan ang bersyong pumasa noong 17th Congress.

“While Duterte is bent on protecting the ‘security of capital,’ the workers and their representatives here in Congress will continue the fight to secure labor rights. ‘Di nila ganun kadali mae-endo ang ating laban para tapusin ang kontraktwalisasyon,” ani Gaite.