CAUAYAN CITY – Walang naitala ang Police Regional Office (PRO) 2 na nasawi o nasugatan sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Egay.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Sharon Mallillin tagapagsalita ng PRO2 sinabi niya na hanggang kahapon ay wala silang naitalang casualty o nasawi sa bagyong Egay gayunman ay nagpapatuloy ang ginagawa nilang clearing operations dahil sa mga nagkalat na deris o natumbang punong kahoy.
Naging katuwang ng PRO2 ang Bureau of Fire Protection (BFP) at iba pang ahensya ng pamahalaan para sa paglilikas ng mga residenteng naninirahan sa mga apektadong lugar partikular ang mga nakatira sa mababang lugar.
Tuloy-tuloy din ang relief operations katuwang ang stakesholders na nagpaabot ng family food packs para sa mga naapektuhang pamilya sa buong lambak ng Cagayan.
Naging malaking tulong aniya ang pagiging proactive ng mga residente na nakatira sa mga mababang lugar dahil sa mabilisang paglikas upang walang mapahamak.
Samantala, abala naman ang Isabela Police Provincial Office (IPPO) sa monitoing, clearing operation at oplan tambuli sa mga apektadong lugar sa lalawigan ng Isabela partikular sa Coastal town na pangunahaing naapektuhan ng bagyong Egay.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCapt. Scarlette Topinio tagapagsalita ng IPPO sinabi niya na bagamat walang masyadong pinsalang naitala ay naging alerto ang IPPO sa paglilikas ng mga nakatira sa low-lying areas.
Patuloy namang binabantayan ng mga kapulisan ang mga overflow bridges sa lahat ng mga bayan sa Lalawigan para maiwasan ang hindi inaasahang pangyayari tulad ng pagpupumilit ng ilan na tumawid kahit ipinagbabawal na.
Muli naman niyang ipinaalala na kahit walang gaanong epekto ang bagyong Egay sa Isabela ay umiiral pa rin ang liqour ban kaya ipinagbabawal pa rin ang pag-inom ng alak sa mga pampublikong lugar.