Tiniyak ng Department of Public Works and Highways Region-9 ang kaligtasan ng mga motorista na babyahe ngayong Undas 2024 sa pamamagitan ng mga inilatag nilang proactive measures.
Sa isang pahayag , sinabi ni Engr. Cayamombao Dia, Regional Director ng DPWH-9, nagpakalat sila ng Lakbay-Alalay Motorists Assistance Teams sa kanilang rehiyon.
Paliwanag ni Dia na ang hakbang na ito ay alinsunod sa una nang programa ng DPWH na Lakbay-Alalay Undas 2024.
Ang naturang grupo ay binubuo ng mga tauhan ng regional at district engineering offices ng naturang ahensya na siyang aalalay sa mga motorista.
Tatlong araw silang naka standby sa mga designated area hanggang alas 5 ng hapon ng November 2 , 2024.
Kabilang sa mga mandato ng Lakbay-Alalay Motorists Assistance team ay magbigay ng tulong sa mga motorista na nasiraan sa daan, may mga dinaramdam na sakit at mga motorista na nais magpahinga mula sa mahabang byahe.