-- Advertisements --

Magpapatupad ng isang buwang curfew at liquor ban ang probinsiya ng Bulacan dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Sa inilabas na executive order ni Governor Daniel Fernando, na ipapatupad ang curfew mula 11 p.m. hanggang 4 a.m. simula Marso 17 at magtatapos hanggang Abril 17.

Papayagan lamang makadaan sa curfew ay yung mayroong emergency at mga empleyado na mayroong karampatang dokumento.

Hanggang Abril 17 din ang pagbabawal ng pagbenta, pagbili at pag-inum sa pampubliko at pampribado ng mga nakakalasing na inumin.

Ipinag-utos din ng gobernador ang pagbabalik ng border quarantine checkpoints para tuluyang mabantayan ang pagkalat ng virus.