TACLOBAN CITY – Isinailalim na sa state of calamity ang buong lalawigan ng Leyte dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng dengue.
Ayon kay Leyte Vice Governor Atty. Carlo Loreto, inaprubahan ang resolusyon ng Sangguniang Panlalawigan na nagdedeklara ng state of calamity sa probinsiya upang mapabilis ang pagpapalabas ng calamity fund.
Dagdag pa ni Loreto, sa ngayon ay aabot na 1,740 ang naitalang kaso sa probinsya ng Leyte kung saan ito ay mas mataas kumpara noong nakaraang taon.
Ilan sa mga lugar kung saan may pinakamaraming naitalang kaso at namatay na biktima ay sa bayan ng Burauen, Babatngon, Mahaplag, Merida at pati sa lungsod ng Baybay at Ormoc.
Nabatid na sa ngayon ay ikinakaalarma naman ng Department of Health ang patuloy na pagtaas ng bilang ng kaso ng dengue sa buong Eastern Visayas at aabot na ito sa 5,577 na kaso.