-- Advertisements --
Screenshot 2019 07 04 14 50 13

Isinailalim sa state of calamity ang probinsya ng Aklan dahil sa malawakang kaso ng African  Swine Fever (ASF).

Kaagad inaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan ng Aklan ang resolusyong upang mailagay sa ilalim ang probinsya sa state of calamity.

Ayon sa Office of the Provincial Veterinarian, tinatayang aabot sa pitong bayan sa probinsya ang naiulat na may kaso ng ASF habang umabot naman sa 40 na baboy ang ibinaon sa lupa.

Nagsagawa rin ng disinfection sa mga lugar na napaulat na mayroong kaso ng African Swine Fever.

Ipinamahagi naman ng probinsya ang tulong pinansyal na aabot sa P2,000 hanggang P3,000 sa mga apektadong hog raisers

Patuloy ang isinasagawang monitoring at checkpoint ng mga awtoridad upang mapigilan ang pagpasok ng mga buhay at karneng baboy sa lugar.