-- Advertisements --
HANNAH
Hannah/ Pagasa FB image

Nakabandera pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal no.1 sa probinsya ng Batanes.

Ito ay dahil sa epekto pa rin ng bagyong si Hanna na patuloy na kumikilos sa Silangang bahagi ng karagatang sakop ng Pilipinas.

Bukod kay Hanna , ay may nabubuo ring cloud clusters sa loob ng Philippine Area of Responsibility na posibleng maging bagyo sa loob ng 24 oras.

Posible namang lumabas sa teritoryo ng bansa si Hanna sa Lunes ng gabi sa susunod na Linggo.