CEBU – Inihayag ng pamahalaang panlalawigan ng Bohol kahapon Huwebes, Setyembre 22, 2022, na tinanggal na nito ang COVID-19 vaccination card bilang arrival requirement.
Ito ay matapos maglabas si Bohol Governor Aris Aumentado ng Executive Order (EO) No. 32 na pinamagatang “Lifting the Requirement to Present COVID-19 Vaccination Card or Certification for Asymptomatic Travelers to Bohol.”
Ayon sa pamahalaang panlalawigan sa isang pahayag, na ang EO ay nilagdaan noong Miyerkules, Setyembre 21.
Gayunpaman,nakapaluob parin sa EO No. 32 na kinakailangan parin magpresenta ng vaccination card ang sinumang inbound traveller kung mayroon silang mga sintomas ng impeksyon.
Samantala, hinimok ni Aumentado ang mga local government units sa kanyang lalawigan na paigtingin ang kani-kanilang COVID-19 vaccination drives.