Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang probinsya ng Bukidnon nitong gabi ng Huwebes ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology.
Ang naturang pagyanig ng lupa ay naramdaman bandang 9:46 ng gabi at sinasabing tectonic ang naging pinagmulan.
Natukoy ang epicenter nito sa layong 20kilometers northwest sa lungsod ng Lantapan, Bukidnon.
Unang naitala ang magnitude 4.2 ngunit kalaunan ay ibinaba na lamang ito sa magnitude 4.2.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, hindi ito magdudulot ng pinsala sa mga kabayahan at mga ari-arian at wala na rin inaasahang aftershocks.
Samantala, naramdaman ang intensity 3 sa Lantapan, Libona at Talakag Bukidnon habang intensity 2 naman ang naramdaman sa ;
-Baungon
-Cabanglasan
-Impasug-ong
-Kalilangan
-City of Malaybalay
-Manolo Fortich
-Maramag
-Pangantucan
-Quezon
-Sumilao Bukidnon at City of Valencia Cagayan de Oro City
Intensity 1 naman sa lungsod ng Kadingilan at San Fernando Bukidnon.