CENTRAL MINDANAO-Tumaas pa ang lebel ng baha sa mga kailugan at mababang lugar sa probinsya ng Cotabato at Maguindanao.
Sa Kabacan Cotabato may ilang Barangay na ang binaha dahil sa pag-apaw ng Kabacan river.
Pansamalang isinara ang tulay sa Brgy. Poblacion papuntang Brgy. Aringay matapos na isinasaayos ang nakahambalang puno ng kahoy sa ilalim ng tulay.
Ayon kay Kabacan MDRRM David Saure, ang mga daan ng papuntang Dagupan ang pwedeng maging alternatibo habang isinaayos ang nakahambalang na kahoy sa ilalim ng tulay.
Patuloy naman sa monitoring ang MDRRM at DSWD sa mga residenteng malapit lamang sa nasabing ilog.
Panawagan ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr sa mga residente ng bayan na magdoble ingat sa nararanasang pagbaha dulot ng malakas na buhos ng ulan dahil sa sama ng panahon.
Samantala,maliban sa bayan ng Kabacan,binaha na rin ang mga mababang lugar sa Pikit Cotabato at lalawigan ng Maguindanao.